LORABEL Nanginginig ang aking katawan nang makarating ako sa tapat ng gate ng aking bahay. Wala akong nakitang tao sa paligid. Madilim na rin, kaya dali-dali kong dinukot ang susi sa bulsa ng suot kong pantalon at mabilis na ini-lock ang pintuan nang makapasok. Ngayon ako nakaramdam ng labis na pagod at panghihina. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng aking katawan, at kahit ilang ulit na akong pumikit at humugot ng magkasunod na buntonghininga, ay hindi pa rin ito nawawala. Hindi ko inaasahan ang nangyari kanina. Ang akala ko'y tinatakot lamang ako ng lalaking tumawag sa akin, pero totoo pala ang banta niya na kukunin ako bilang kabayaran sa pagkakautang ni Mama sa kanila kapag hindi ko agad sila babayaran. Tuluyan akong napaiyak. Pinalaya ko ang bigat sa aking dibdib at hinayaan kong