LORABEL Nagising ako nang maramdaman ko ang malakas na paghatak ng kung sino sa aking braso. Masakit ang aking ulo at nanlalabo pa ang aking paningin nang magmulat ako ng aking mga mata. Nasa loob pala ako ng sasakyan at pilit na hinahatak pababa ng isang lalaki. “Buhatin mo na!” narinig kong utos ng isang lalaki. “Mabuti pa nga at mukhang hindi magigising ang isang ito,” sagot naman ng tinig na malapit sa akin. Sa tingin ko'y ako ang pinag-uusapan nila. Hindi pa nila alam na nagising na ako, kaya nagkunwari akong tulog at hindi muna nanlaban dahil gusto kong makahanap ng tamang pagkakataon para takasan sila. Hinang-hina ang aking pakiramdam nang buhatin ako ng lalaking dumukot sa akin. Parang sako ng patatas na isinampay niya ang aking katawan sa kaniyang balikat at naglakad papunta