LORABEL “Good morning, ma'am!” Bumungad sa mga mata ko ang nakahelerang mga tauhan ni Zarex sa labas ng hotel room na kinuha niya para sa akin. Dito na kami tumuloy dahil mas malapit sa simbahan at dito rin gaganapin ang reception mamaya. Isa itong luxury resort hotel, at tanging mga elite lamang ang pumapasok dito dahil sa mataas na membership, kaya exclusive lamang ito sa mga A-listed na tao tulad ng pamilya namin ni Zarex. Kasama ko ang aking mga magulang nang maglakad ako palapit sa elevator. Maging si April at ang mga tauhan ng asawa ko ay nakasunod rin sa likuran namin. “Daig pa ni Zarex ang tatakasan mo sa dami ng mga bodyguard na nakabantay sa iyo,” narinig kong sabi ni April nang makapasok kami sa elevator. “Naku, Ma'am, kinakabahan kasi si Boss Zarex na baka takasan na nam

