LORABEL Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa larawang hawak ko. Matagal ko itong pinagmasdan dahil malakas ang kutob ko na may kinalaman siya sa akin at sa pagkatao ko. Sandali akong pumikit at inalala kung nakita at nakaharap ko na ba ang babae sa larawang pinagmamasdan ko, pero kahit ilang ulit ko itong ginawa ay hindi ko siya maalala. Muli kong inabot ang papel na kasama ng larawan at ng bracelet. Pinagmasdan ko ito hanggang sa napansin ko ang nakasulat na pangalan sa dulo. Aila, ito ang nakita kong pangalan sa sulat. Tapos, A.G naman ang nakatatak na letra sa locket ng bracelet, kaya may hinala ako na ang A ay simbolo ng Aila, pero wala akong ideya kung ano ang G. Kahit anong pag-iisip ko, ay hindi masagot ang mga tanong sa isipan ko. Simula pa lang, hindi lingid s