LORABEL Simula nang lumabas ako sa ospital, dito na lang sa bahay namin sa Bulacan ako namalagi kasama ang asawa at mga anak ko, pati na rin ang mga kasambahay namin. Binibisita rin ako ng aking mga magulang at may mga pagkakataon na dito sila natutulog dahil inabot na ng gabi, kaya naglaan na kami ng silid para sa kanila. Tuwang-tuwa sila sa kanilang mga apo. Nag-iisang anak nila ako at dahil inakala nilang si April ako, kaya binigay nila ang lahat sa babaeng iyon, pero naging makasarili siya at mapagmataas. Hindi ko na alam kung nasaan si April. Ayaw ko rin magtanong sa mga magulang ko tungkol sa kaniya dahil ramdam ko pa rin ang bigat sa aking dibdib kapag naalala ko siya. “Ma'am, dumating na po si Sir Brando,” sabi ni Jaja sa akin. Kilala na niya ang kaibigan ko dahil lagi rin si

