LORABEL Umalis na si Brando, pero wala kaming napiling pangalan para sa mga anak ko. Hindi sila nagkasundo ni Zarex, at muntik pa siyang masuntok ng asawa ko dahil sa kung ano-ano ang mga pangalan na ibinigay niya para sa kambal. Dito na siya kumain ng hapunan sa bahay, pero pinauwi na siya ni Mommy dahil gusto raw niyang turuan na manood ng YT ang panganay ko. Tuwang-tuwa pa siya kapag kumakawag-kawag ang kamay ng anak ko at gusto rin niyang hawakan ang cellphone ni Brando. Ngayon pa lang, alam kong hindi siya puwedeng mag-alaga ng mga anak ko dahil siguradong tuturuan niya ng kalokohan ang mga bata. “Are you okay, babe?” Napalingon ako nang marinig ko ang tinig ng asawa ko. Pinapanood ko sa malaking screen habang natutulog ang kambal sa loob ng nursery room, para kahit nandito ak

