LORABELL Nakaramdam ako ng panlalamig habang nakatingin sa nakasabit na malaking larawan ko sa dingding. Kapag nakahiga si Uncle Zarex, siguradong mukha ko agad ang makikita niya pagmulat ng kaniyang mga mata, kaya hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kakaibang emosyon dahil para bang may lihim siyang obsesyon sa akin. Naalis lamang ang pagkakatitig ko sa aking larawan nang bumukas ang isa pang pintuan dito sa silid ni Uncle Zarex at nakita ko siyang lumabas at nakabihis na. “Anong ibig sabihin ng larawan na ‘yan, Uncle?” mabilis kong tanong sa kaniya. “Kailan pa ‘yan, d'yan?” Nakita kong tiningnan niya ang nakasabit na larawan ko sa dingding bago niya sinagot ang tanong ko. “I paid for that, so it's mine to keep here.” “Hindi iyan ang ibig kong sabihin.” Muling bumaling ang aking m