LORABEL Napuno ng ingay, tawanan, at malalakas na hiyawan ang dance floor habang sumasayaw sina Zarex at ang aming mga groomsmen. Dahil buntis ako at mabilis makaramdam ng pagkahilo, hindi na ako pinasayaw sa gitna nina Mommy. Nanatili na lamang ako sa aking upuan hanggang natapos ang kanilang dance number. “Ang gagaling naman ng mga abay natin!” malakas at masayang sabi ng emcee sa gitna. “Sino ang mas magaling sa kanila?” tanong niya sa mga bisita. “Kami, syempre!” malakas na sigaw ni Faye, at sumang-ayon naman ito ni April at ng iba pang abay, pero hindi nagpatalo ang grupo nina Brando. “Mas magaling kami!” malakas na sigaw ni Brando. “Tama!” hiyaw din nina Damien. “Ganito na lang, kung sino ang may malakas na palakpak, sila ang mas magaling!” anunsyo ng emcee. Dahil supportive
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


