LORABEL “Congratulations! Iba ka talaga, Zarex. Hindi mo na pinakawalan itong si Lorabel,” nakangiting sabi ni Damien nang lumapit siya sa amin. “Thanks, bro,” nakangiting sagot ng asawa ko. “Sabi ko naman sa iyo, she's the one.” Nakangiting sumulyap sa akin si Damien. Nag-iwas ako ng tingin dahil nakakaramdam ako ng awkwardness kapag kaharap ko ang mga kaibigan ni Zarex. Nasa bewang ko nakapulupot ang kaniyang braso habang nakikipagkamay siya sa mga bisita namin. Nakatayo naman ako sa tabi ng asawa ko habang hinihintay namin na tawagin kami ng aming mga emcee. Nandito na kami sa hotel at kasalukuyang dinaraos ang reception ng aming kasal. Nakatayo kami sa pintuan ng reception hall at sinalubong namin ang aming mga bisita habang papasok sila. “Thank you for coming,” nakangiting sabi

