LORABEL Nang sinabi ko kay Zarex na gusto akong isama sa pamimili ng aking ina, nagtanong agad siya sa akin kung okay lang ba sa akin na sumama kay Mommy. Nag-aalala kasi siya na baka hindi ako komportable na kasama ang aking mga magulang at maaaring makaapekto ito sa akin, kaya nagtanong si Zarex. “Sa tingin ko naman, okay na ako kahit kasama ko sila,” sabi ko kay Zarex. “I'm just worried, babe,” nag-aalala niyang sabi sa akin, kaya ngumiti ako sa kaniya. “Alam ko, pero mag-iingat naman ako, Z.” Narinig kong nagpakawala ng malalim na buntonghininga ang asawa ko bago sumagot. “Alright, I leave it to you kung gusto mong sumama sa kanila.” Lumuwag ang ngiti sa mga labi ko at niyakap ko siya ng mahigpit. “Thank you, Z! The best ka talaga,” malakas at natutuwang sabi ko sa aking asaw

