Chapter Twenty-eight |2|

1015 Words

Lumapit si Nate at inilapag ang isang bote ng alak. Agad iyong kinuha ni Wayne at mabilis na ininom. Napansin niyang naging malikot ang mga mata nito. Mukhang may alam nga itong hindi magawang sabihin sa kaniya. "Hindi pa rin siya nagbabago," aniya na ikinatigil ng kaibigan. "Iniputan niya ako noon sa ulo para kay Arnulfo. Ngayon, iniiputan niya sa ulo ang asawa niya para sa akin." Ngumiti siya at umiling. "Nararapat lang sa kaniya ang gagawin ko." Muling umawang ang bibig ni Wayne. Naibaba nito ang hawak na bote at bahagyang luminga sa paligid upang tingnan kung wala bang makakarinig sa sasabihin nito. "Ibig mong sabihin, may nangyayari sa inyo ni Cielo?" tila hindi makapaniwala nitong tanong. Hindi siya tumugon at sa halip, sinenyasan si Nate na magdala muli ng isang tasa ng kape. Ti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD