"HINDI akin ang bata," pukaw ni Atticus sa atensiyon ng asawa at saka umupo sa tabi nito. Mula sa malaking dressing table sa harap nila ay nabaling sa kaniya ang mga mata ni Malina. Malamlam ang mga iyon na tila ba tumatagos hanggang sa kaluluwa niya. "Imposibleng mabuntis ko siya—" "Paano?" natigilan siya nang biglang magsalita ang babae. "Paano mo nasabing imposible? Ilang taon na nilang ginagawa ni Daddy iyon, pero hindi siya nabubuntis." "Wala ka bang tiwala sa akin?" Kinuha niya ang kamay ng asawa at marahan iyong hinaplos. Dahil sa ginawa niya ay nabawasan ang takot at pagkalitong mababakas sa maamong mukha ng babae. "Sinigurado kong hindi ko siya mabubuntis. Magtiwala ka sa akin." May pag-aalinlangan sa mga mata ng babae. Tila nahihirapan itong magdesisiyon ngunit makalipas ang