Hindi pinansin ng lalaki ang mga sinabi nito at binalingan siya ng paningin. Itinaas niya ang noo nang magsalubong ang mga mata nila. Akmang susugurin siya ng lalaki ngunit mariin itong pinigilan ni Cielo. "Huwag mo siyang gagalawin, Tiago! Ano ba!" Sa pagkakataong iyon ay lumapit naman sa kanila ang lalaking tinawag nito sa pangalang Roger. May kasama itong limang lalaki sa likuran nito. "Hanapin n'yo si Malina! Ngayon na!" Natigilan siya sa narinig. Hinanda niya ang sarili at hindi mag-aatubiling umagaw ng baril kung itutuloy nito ang binabalak na mangyari. Ngunit muli siyang natigilan nang pigilan ni Cielo ang mga armadong lalaki. "Tiago, tama na! Hayaan mo na si Malina! Patay na rin naman si Arnulfo, sa atin na mapupunta ang kompanya!" Nanginig ang baba ng babae sa sinabi at mulin