HUMIGPIT ang pagkakahawak ni Cielo sa platong hinuhugasan habang nakatitig sa lalaking si Atticus. Kasalukuyan itong naglalakad palabas ng malaking tarangkahan. Siya naman ay nakatayo sa harap ng mga hugasin kung saan may malaking bintanang salamin sa harap na malayang makikita ang labas. May bakas ng paghihinayang ang mga mata niya. Alam niya sa sarili, kahit anong tanggi niya, hindi siya maaaring magsinungaling sa sariling damdamin. Mahalaga sa kaniya ang pera pero anong saysay nito kung wala na siyang babalikan? Bahagya siyang natigilan nang makitang patakbong sumunod si Malina sa lalaki. Muli, humigpit na naman ang pagkakahawak niya sa platong hinuhugasan. Nakita niya kung paano hawakan ng babae ang kamay ni Atticus. Tumalim ang mga mata niya nang matanaw na humalik pa si Atticus sa