May ilang segundo silang nagkatitigan matapos nitong magsalita. Siya at ang puso niya, hindi nagawang pagdudahan ang sinabi ng lalaki. Nararamdaman niyang hindi ito nagsisinungaling. Isa pa, kung aawayin niya ito, e `di parang nagtagumpay rin si Cielo sa kagustuhan nitong pag-awayin sila. Kinagat niya ang ibabang labi at muling tinitigan nang masama ang asawa. Si Atticus naman ay muling mababakasan ng pagtataka ang buong mukha. "Nagpaliwanag na ako, hindi ba? Galit ka pa rin ba? Mas naniniwala ka kay Cielo?" sunod-sunod nitong tanong na bigla niyang ikinangiti. Pigil ang sariling umiwas siya ng tingin. "Iyang sekretarya mo, paalisin mo siya." Muli niyang nilingon ang lalaki para makira ang reaksiyon nito. Agad naman itong tumango na sinabayan pa ng pagngiti. Nagmamadali itong tumayo a