ALAS-DOS na ng hapon. Kasalukuyang minamaneho ni Atticus ang bagong biling sasakyan na isang firenze red range rover sport. Nagdesisiyon siyang gamitin ang sobrang pera na ipinambenta niya sa coffee shop para sa sarili. Nitong nagdaang mga taon, wala siyang ibang ginawa kundi magtrabaho upang makaipon ng pera. Umaasa siyang babalik sa kaniya si Cielo kaya ginawa niya ang lahat upang malagyan ng malaking halaga ang kaniyang bank account. Pero sa mga sandaling iyon, alam niyang wala na siyang hinihintay kaya ibinuhos na lamang niya sa sarili ang mga perang pilit itinatabi para sa babae. Patungo siya sa dating kapihan upang sana ay makilala ang bagong may-ari ng shop, pero agad niyang pinarada ang kotse hindi kalayuan mula sa coffee shop nang makita si Malina kasama ang kaibigan niyang si W