Nilingon siya ni Arnulfo at muling sumilay ang nang-uunawang ngiti sa mga labi nito. Humigpit ang pagkakahawak niya sa tapat ng bibig upang pigilan ang mga hikbing nagpupumilit kumawala sa mga labi niya. "Ayaw kong masira ang pamilya natin dahil iniingitan ko ang inakala kong magandang relasiyon na mayroon kayo ni Malina. Puwede kong gawin ang naisip ko sa iyo at sa lalaki mo, pero hindi ko magagawang saktan ang anak ko. Alam kong siya ang maiipit sa lahat ng ito." Muli siyang natigilan sa mga bagay na sinabi ng lalaki. Napansin niyang napahawak sa tapat ng dibdib nito si Arnulfo kaya mabilis nabuhay ang kaba sa puso niya. "Honey!" Agad niya itong nilapitan at paulit-ulit na hinagod ang likod. "Si Malina... a-ang batang iyon, pilit tinatago ang karamdaman niya." Bigla siyang natigilan