ILANG beses sumilay ang ngiti mula sa mga labi ng lalaking si Atticus sa tuwina'y babalik sa isip niya ang agahang pinagsaluhan nila ni Malina. Hindi niya naisip na darating pa siya sa punto ng kaniyang buhay na titibok muli ang puso niya para sa ibang babae. Buong buhay niya ang umikot kay Cielo noon. Kaya nang mawala ito ay araw-araw siyang umasa na babalik pa ito sa kaniya. Sa loob ng tatlong taon, ang pag-asam na balikan siya ng babae ang tanging dahilan ng pagpapatuloy niya sa buhay. Hindi niya inaasahan na may isang Mahalina Marasigan na papasok sa madilim at malamig niyang mundo at magbibigay ng liwanag at init sa kaniyang puso. Gagawin niya ang lahat para maipagtanggol ito. Hindi na siya umaasang magiging sila ng babae hanggang sa huli, lalo na kung malalaman ni Arnulfo ang laha