Pagdating nila sa mismong ospital ay agad na sinalubong sila ng mga sundalo na nasa labas. May ibinulong ang isang sundalo sa kasama ng kanyang ina, sa tingin niya ay pinuno ito ng mga sundalo. Sinabi nito sa kanya kanina na uncle niya ito dahil kakambal ito ng kaniyang namayapang ama, kaya lang medyo naiilang pa rin siya dito. Nagtataka lamang siya dahil seryoso ang usapan ng dalawa patango-tango lamang naman ang Kapitan. Habang pasulyap-sulyap sa kanya at maging sa kanyang kuya Arlott. Pagpasok nila sa loob ng ospital. Napansin niya na tila nagkakagulo ang mga tao doon, hindi masyadong kalakihan ang ospital na kanilang pinuntahan. Tila may emergency kaya marahil nagkakagulo ang nurse at mga doktor. "Tita Nelly maaari po ba nating alamin kung kumusta na po si Lola Nena at ang anak po