Halos tatlong oras din ang itinagal nang operasyon ng kanilang Lola Nena. At sa loob ng tatlong oras na iyon ay sobra ang pag-aalala nila kahit ang kanyang mama Nelly ay nag-aalala rin para sa matanda. Tila ba ang bawat segundo ay napakatagal, hindi nila maipaliwanag ang nararamdaman. Naghalo-halo na kasi ang kanilang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Kahit makaligtas lamang ang mabait na matanda, iyon na lamang ang kahilingan nilang dalawa. Pero mabuting tao ito kaya nakakatiyak sila na hindi ito pababayaan ng Poong Maykapal. Makakaligtas din ito sa bingit ng kamatayan. Naikwento na niya sa kanyang Mama Nelly kung paano naging mabait sa kanila si Lola Nena. Maging kung bakit ito nagkaganon, sinabi niya sa kanyang mama na sila ang dahilan kung bakit nasa bingit ng kamatayan si Lola N