Kinabukasan ay nasa terminal na sila ng bus patungong Manila, kasama nila ang mama ni Marilag at ang uncle nito. Ang ilang sudalong kasama nila ay naiwan na sa kampo ng mga ito. Sa Manila na pala nakadestino ang uncle ni Marilag kaya maaari nila itong makasama. Narinig pa nila na sa bus lamang daw sila sasakay dahil inaalala ni Tita Nelly na baka matakot sila kapag sumakay sila sa airplane. Hindi niya maintindihan pero ng sabihin nito na lilipad iyon sa kalangitan, nag-alala nga siya para kay Marilag. Takot kasi ito sa matataas na lugar kaya nga hindi niya ito hinahayaang umakyat sa matataas na puno. Palinga-linga siya sa kapaligiran at si Marilag, naninibago sila sa paligid. Kakaiba sa lugar na iyon, marami ang nagagandahang display sa paligid. May mga nakasabit ding tv na maaaring pa