Napagpasyahan ni Nelly na kapag nakarating na sila sa Manila ay una silang magtungo sa bahay ni Don Beinvenido Ortiz ang lolo ni Arlott. Hindi niya sigurado kung nandoroon pa si Ellen, noong huling nagkita sila ay mukhang malala ang kalagayan nito. Mukhang mas lumala nanaman ang sakit nito pagkakita sa kanya, at pagkakita kay Reynald. Mukhang naalala kasi nito kay Reynal ang kanyang asawa. Sabagay kambal nga naman ang mga ito, hindi paghahalataang magkaiba ang mga ito lalo na at hindi naman alam ni Ellen na may kakambal ang kanyang asawa. "Nelly, kapag nakaharap nyo na si Don Beinvenido iiwan ko na muna siguro kayo ni Marilag. Kailangan ko kasing mag-report munang tungkol sa nangyari sa misyon. Pero hintayin nyo na lamang muna ako ha, basta babalik din agad ako." paalam ni Reynald sa ka