INOSENTE: 85

1274 Words

Sa buong biyahe nila na iyon ay hindi na rin siya kumibo, tahimik na lamang din siya habang nakatanaw sa labas ng bintana ng bus. Si Marilag naman ay himbing pa rin sa pagkakatulog. Habang si Tita Nelly ay nakapikit na lamang din pero batid niya na hindi ito natutulog. Sobrang bigat ng kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon, parang gusto niyang magreklamo. Gusto niyang ipakita dito na hindi niya nagugustuhan ang sinabi nito na paghihiwalayin sila ni Marilag, pero ano nga ba ang magagawa niya. Ito na mismo ang nagdesisyon, isa pa hindi rin niya alam kung papayag ang kanyang Lolo na dumalaw sila sa bahay nina Marilag, lalo na kung katulad ng sinabi ni Tita Nelly na may sakit ang kanyang Mommy. Hindi rin niya alam kung saan ito nakatira, mabuti pa noong nasa kabundukan sila at kahit s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD