Nagkagulo ang mga tao sa pampang ng dumaong ang bangkang kinalululanan nina Marilag at Arlott. Nahintakutan ang mga ito ng makita ang maraming sundalo at ang mga sugatan. Lalo na nang makita ng mga ito ang bag na naglalaman nang wala ng buhay na katawan ni Lito. Patuloy pa rin na tumutulo ang dugo nito doon. "Diyos ko anong nangyari?!" nahihintakutang bulalas ng isang babae. "Hindi ko alam pero ngayon lamang nangyari ang ganito! Maraming sundalo at may mga sugatan!" sabi naman ng isang lalaking matanda na mukhang mangingisda. "Tabi muna kayo! Bigyang daan ang mga sundalo!" sigaw naman ng isang lalaki na sa tingin niya ay may katungkulan sa lugar. Inalalayan naman si Marilag ng isang sundalong kasama nila sa bangka na nauna ng bumaba. Sumunod naman sa kanya ang kaniyang Kuya Arlott,