Matapos ang halos dalawang araw na paglalayag sa karagatan. Sa wakas narating na rin nila ang pantalan. Mula doon ay sumakay ulit sila sa bus na kanilang sinasakyan at muli silang naglakbay ng ilang oras patungo sa terminal ng bus. Habang papalapit sila ng papalapit, mas lalo naman siyang nangangamba para sa kanilang dalawa ni Marilag. Abot-abot ang kanyang kaba lalo na at nalalapit na ang paghihiwalay nilang dalawa ni Marilag. Kung pwede lang pigilan niya ang oras ginawa na niya para hindi na sa kanya mawalay pa si Marilag. Pagdating sa terminal ay sumakay naman sila ng taxi pero ng mga sandaling iyon ay humiwalay na sa kanila si Tito Reynald dahil may pupuntahan pa daw ito. Ilang oras ulit silang nagbyahe sakay ng taxi hanggang sa makarating sila sa isang lugar na may mataas na b