INOSENTE: 88

1414 Words

Napaawang ang kanyang labi ng masilayan ang loob ng malaking bahay na iyon. Simula sa malawak na harapan ng bahay hanggang sa makapasok sila sa loob ng malaking bahay na iyon. Puro karangyaan ang mababakas doon. Maging si Marilag ay napa-awang din ang labi habang inililibot ang paningin sa paligid. Pagpasok nila, pinaupo muna sila ng kasambahay sa sofa na nandoon. Malambot ang sofa na iyon, ang sarap umupo. Parang pamilyar sa kanya ang paligid,dahil siguro nanirahan na siya doon noong mga panahong hindi pa sila nagbabakasyon. "Kuya, napakaganda naman po ng bahay ng Lolo ninyo. Dito ka po ba nakatira noon? Siguro ang sarap tumira dito 'no?" tanong ni Marilag sa kanya. "Hindi ko rin alam Marilag, hindi ko matandaan kung dito kami noon nakatira pero parang pamilyar sa akin itong lugar."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD