Nagtataka namang napatingin si Marilag sa babaeng papalapit. Halos magkandarapa ito sa pagtakbo makalapit lamang sa kanila. Hindi niya matandaan kung sino ito pero parang pamilyar ito sa kanya, may kakaiba din siyang nadarama sa kanyang puso habang nakatutok ang mga mata dito. Tumingin siya kay Kuya Arlott niya, nagtatanong ang kanyang mga mata mukhang naunawaan naman nito pero umiling lamang. Mukhang hindi rin nito kilala ang babae ngunit ng tuluyan na itong makalapit, kusang nag-unahan sa pagbagsak ang kanyang luha mula sa kanyang mga mata dahil parang nakikita niya ang kanyang replica sa babae, old version nga lang. "A-Anak ko, M-Marilag?" lumuluhang bigkas nito sa kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ni Lola Nena. Kinakabahan siya na hindi niya