TILA ISANG PANAGINIP na matagpuan ni Doctor Leviste si Ginger. Sana'y anak niya nga ito. Totoong nga na maliit lamang ang mundo. Kay lapit lamang pala nito sa kaniya at kaibigan pa ito ng kaisa-isang inaanak niya. Hindi na makapaghintay pa si Doctor Leviste sa isang linggong proseso ng DNA test. Malalalaman niya na kung si Ginger nga ang nawawala niyang anak. “It’s good to see you here, hijo. Kumain na ba kayo?” “Hindi pa, Dok Dad. Pretty wanted to cook you the corned beef. That's why we are here.” Hinarap ng matanda si Ginger. “Anak, you don’t have to. Lambing ko lang ’yon sa ’yo.” “Ipagluluto po kita. Specialty ko po ’yon—ginisang corned beef.” Ang tauhan naman nito ang hinarap ni Doc. Leviste. “Belinda, you can put those frozen corned beef in a cooler. Hindi pa kami uuwi at baka ma