“LET’S GO TO MY RESORT instead of driving to Clark. Maari tayong mag- Zoobic Safari after lunch. Sayang ang two hours driving to Clark from here. Ano’ng suggestion ninyo? Doctor Leviste, okay lang po ba?” tanong ni Nate. “Kung saan ang gusto ni Ginger,” ang sagot nito habang tinitingnan pa rin ang dalaga. Doctor Leviste can’t help himself but be mesmerized kung gaano kahawig nang yumao niyang asawa si Ginger. “Dok Guwapo, gusto kong ipagluluto kayo. Next time na lang po ’yong Chinese restaurant. Isang buwan naman akong mamamalagi rito” “Then, let’s go to the resort. Matagal na rin naman akong hindi nakakain nang ginisang corned beef.” “It’s the best corned beef, Dok Dad . . . I mean Doctor Leviste,” pagbibida ni William sa luto ni Ginger. “Can you drive my car, Kyler?” Humarap si Ging