Chapter 121 Hinihintay kong magising si Fifth. Tanghali na eh. Iniuwi muna ito kagabi sa tulong ng mga bodyguard nila Manong Gov. Kasi talagang lasing ito. Wala na ring silbi pa iyong cellphone nito, pero iniuwi ko pa rin. Tanghali na, tulog pa ito. Kahit pa atat itong alamin ang totoo ay wala rin naman itong nagawa. Kasi pagdating sa kwarto ay bagsak na agad ito sa kama. Kanina ko pa rin sinusubukan alalahanin ang mga nangyari no'ng gabing iyon. Pero bigo ako. Kasalanan talaga no'ng alak. Oo, iyong alak talaga. "Fifth, gumising ka na. Para naman dalawa na tayong stress." Sa tindi ng frustration ko ay naibulalas ko na iyon. Gumalaw ang lalaki na mukhang nagising. Kumapa-kapa pa ito. Waring hinahanap ako. Nang maramdaman wala ay napabalikwas ito. "Vee!" iyong tinig nito'y m

