Chapter 122 "Iiyak ka ulit?" pinanlakihan ko ng mata si Fifth. Ngayon ay narito kami sa school ni Via. Nadaanan namin si Vicky sa waiting area, ngayon ay binabaybay na namin ang daan patungo naman sa classroom nito. "I'm so nervous, Vee. Matatanggap kaya n'ya akong papa n'ya?" sa sobrang excited ni Fifth pagkatapos n'yang malaman na anak n'ya si Via, ay agad siyang nagbihis at nagyaya na magpunta ng school. Ito kami ngayon. Papunta na kay Via. "Hindi---" napahinto ito. Lumarawan sa mukha n'ya ang takot. "Hindi?" tanong nito sa akin. Ang laking tao, tiklop naman sa akin at sa anak namin. Pero ang cute nito. "Ang ibig kong sabihin ay hindi ko alam. Ano ka ba naman, Fifth? Siyempre matatanggap ka ni Via. Mahal ka no'n." Huminga ito nang malalim. "Tama," hinga ulit nang malalim. "K

