Chapter 123 Veronica "Walang silbi iyong ginawa natin. Mukhang binalewala ni Fifth Zimmer iyong mga sinabi ni Fifth." Tahimik si Jay-r sa tabi ko, si nanay ay nakatulala na lang. Ang tingin ay nasa bintana. Si tatay... parang nawalan na ito ng rason para mabuhay. Ayaw na nitong kumain, walang kinakausap kahit isa man sa amin. Si Vella... wala siya rito. Pero iniwan niya ang anak n'ya. Ang sabi lang nito ay papasyal lang sa kaibigan. Pero dalawang araw na ay hindi pa rin umuuwi. May hinala ako, ayaw ko mang isipin. Pero malakas ang kutob ko. Baka may bago na naman itong nobyo at sumama na ito roon. "Lumapit ako sa isang matalik na kaibigan." Bumaling ulit ang tingin ko kay nanay. "Sinabi ko sa kanya na bukod sa bunsong anak ko na namatay ay may anak pa siya sa akin." "'Nay?" ta

