Chapter 124 "Vee, may ibabalita ako sa 'yo." Dis oras na ng gabi. Gising pa ako dahil inaabangan kong makatulog si Fifth. May natira kasing dessert kanina. Balak kong balikan. Tamang tumawag ito. "Ano iyon?" "Kawawa iyong dalawa mong pamangkin. Nandito sila sa bahay ngayon." Kwento nito. "Ano? Bakit? Nasaan ang mga magulang?" "Wala, Vee. Kaninang umaga pa raw wala sila umalis. Hindi pa nag-almusal at tanghalian iyong mga pamangkin mo. Iniwan ni Veronica at Manang Susan iyong dalawa sa bahay. Kasama ang tatay n'yo. Eh hindi naman nakakatayo iyong matanda ngayon. Gutom na gutom iyong dalawa, buti't napadaan kami kanina. Nakita naming naglalaro sa labas. Iniuwi muna namin." Hindi man kami okay ng mga magulang nila, pamangkin ko pa rin sila. "Saan daw nagpunta sina Nanay?" "Hind

