Chapter 125 Iba ang tawa ni Via habang nakikipaglaro sa dalawang pinsan nito. Isang buwag pagkatapos ng libing ni tatay, wala pa ring update mula kina Veronica at nanay. Iniuwi na muna namin dito sa Santo Claro ang dalawang bata dahil wala pang update kina ate. Until now. Hindi ko alam kung buhay pa sila. Mabuti rin naman ang lagay ng dalawang pamangkin ko rito. Kinailangan na nga lang naming magdagdag ni Fifth ng dalawang yaya dahil hindi naman namin kayang asikasuhin ng kami lang. Pitong buwan na ang tiyan ko. Nakapag-usap na kami ni Fifth na luluwas na kami sa siyudad at sa Hombre Fuerte Home titira hanggang sa makapanganak. Itong rest house rito sa Santo Claro ay pansamantala muna naming iiwan. Nakausap ko naman na si Callo at Manong Gov. Hindi naman nila kami pinigilan. Gusto ko

