Chapter 120 Akala ko magtatagal kami ni Fifth sa Santa Clarabelle. Pero nakita ko na lang na bumibiyahe na kami pabalik ng Santo Claro. Tulog ito, pero hawak nito ang kamay ko at hindi binibitiwan. Parang takot ngang bitiwan iyon. Hindi naman ako mawawala, eh. Pagdating sa bahay ay kinailangan ko pa siyang tapik-tapikin para lang magising siya. Wala pa itong maayos na pahinga, kaya kahit kanina na nag-o-overthink ako ay hindi ko siya kinulit. Nang magising nga ito ay napatulala pa ito sa akin. Ewan ko ba, iyong titig nito ay parang takot ito. "Tara na. Sa kwarto na tayo magpahinga." Tumango ito. Nauna itong bumaba. Inalalayan pa n'ya ako. Saka kami lumakad. Hindi nito binibitiwan ang kamay ko. Hanggang sa kwarto ay hawak nito. Nang mag-shower ito ay sumunod ako. Mabilis lang na shower

