Chapter 119 Nakaka-stress makita ang kalunos-lunos na sitwasyon ng mga tauhan ni Fifth. Sinabihan na ako ni Fifth na huwag kong masyadong dibdibin. Pero habang nakikita ko silang nakaratay sa hospital bed ay stress talaga ang nakukuha ko. Sa isang private room sila ngayon, may komportableng pwesto para sa pasyente at kanilang mga bantay. Tiniyak ni Fifth na lahat ng mga kailangan nila ay maibibigay. Nag-abot na nga rin ito ng pera sa mga tauhan n'ya. Sa prisinto naman ay may dalawang abogado na ang umaasikaso ng kaso. This time ay hindi na makakalusot pa si Von. May isang namatay, apat naman ang naka-survive. "Pasensya na po talaga, Sir Fifth. Nag-inuman po kami kagabi dahil birthday po ni Jimmy. Kasama namin si Von. Okay naman po ang pakikiharap n'ya sa amin, kaya naman po nagtiwala

