Josh,
I know we are young, but we have this kind of love that could last forever. Let us grow together...
Hyacinth
"Hotshots! Hotshots! Hotshots!"
Hindi magkamayaw na sigaw ng mga estudyante ng St. Andrews. Last one minute and thirty-seven seconds na lang, at lamang ang Wild Cats ng Amaia High, ang kalabang eskwelahan.
Umiskor si Jett ng limang puntos. Dalawa sa free throw at isang three-point shot kaya bumaba sa dalawa ang lamang ng Wild Cats. Lalong nagkagulo ang mga estudyante sa gym.
Hawak ngayon ng Wild Cats ang bola, at mukhang mag-uubos na lang sila ng natitirang oras. Nang biglang naagaw ni Peyton ang bola mula sa kalabang may hawak nito. Sabay-sabay na napatayo at napasigaw ang lahat ng estudyante ng St. Andrew's.
Agad namang nagsipagtakbuhan iyung mga player ng Hotshots, ganundin ang mga nag-panic na mga players ng Wild Cats. At iisa ang direksiyon ng mga ito - papunta kay Peyton.
"Go, Peyton!!!" sigaw ni Athena na nasa tabi ko.
Pati ngayon ang mga estudyante ng Amaia High ay nagtayuan na rin. Lalo pang lumakas ang sigawan. Nag-panic ang mga taga St. Andrew's nang halos lahat ng kalaban ay ilang hakbang na lang kay Peyton.
Pero buo ang loob ni Peyton na ibinato ang bola kay Josh na nakatayo malapit sa free throw line ng kalaban. Nang masalo ni Josh ang bola ay dali dali itong tumakbo papunta sa kabilang court. Kay Josh nakasalalay ang ikapapanalo ng Hotshots.
Last three seconds…
Lalong nagkagulo ang mga nanonood sa gym. Kanya-kanyang hiyawan ang lahat, Hindi ko na nga maintindihan ang isinisigaw ng bawat isa.
Nakita kong huminto si Josh sa pagtakbo nang nasa half-court na siya. Bakit siya huminto doon?
Tumingin si Josh sa orasan sa itaas ng ring. Pagkatapos ay nilingon nito ang mga nagtatakbuhang kalaban mula sa likuran niya. Muling humarap si Josh sa harapan niya at saka inihagis ang bola papunta sa ring.
Napanganga na lang ako. Ano’ng ginawa ni Josh? Ni hindi man lang siya nag-concentrate sa pag-asinta sa ring, at basta na lang ibinato ang bola. Wala na a kong magawa kung hindi hintayin na lang ang pagbagsak ng bola. Parang slow motion pa nga habang sinusundan ko ng tingin ang bolang umiikot-ikot sa ere.
"Madrigal! Three points!!!"
Naglundagan lahat ng estudyante ng St. Andrew's! Hindi matapos-tapos ang hiyawan at palakpakan sa panalo ng school.Nakita kong pinagkaguluhan si Josh ng mga teammates niya. Merong gumulo sa buhok niya, may pumalo sa puwitan niya, at may yumakap sa kanya. Napangiti ako. Bayaning-bayani ang trato nila ngayon kay Josh, pati na nung mga nasa upper year na teammates niya. Natutuwa ako para sa kanya,
"Ang galing ng kambal, noh!?" masayang sigaw ni Athena sa tabi ko.
Dahil kung hindi siya sisigaw, hindi kami magkakarinigan. Gusto ko sanang lapitan si Josh para i-congratulate, pero naisip kong hayaan na muna silang magkaka-team na magsaya muna.
Pero kung ako ay ganun ang takbo ng isip, iyong ibang tao ay hindi. Nakita kong tumatakbo si Taylor mula kung saan papunta sa nagbubunying Hotshots, at saka niyakap si Josh.
Biglang napalis ang ngiti ko. Ang sayang nararamdaman ko sa isang iglap lang ay biglang nawala. Unti-unti akong napaupo uli.
"Okay ka lang, Hyacinth?" narinig kong tanong ni Athena.
"O-Oo. Magsi-CR muna ako,” saka ako dali-daling tumayo nang hindi tinitingnan si Athena.
Ayokong makita niya ang lungkot sa mukha ko. Nakayuko akong naglakad palabas ng gym. Nagkakagulo pa rin ang lahat ng naroroon. Nagkakasayahan. Nagdidiwang. Maliban sa akin.
Imbes na magpunta sa CR ay dere-derecho akong lumabas ng gym. Gusto ko na sanang umuwi pero hindi ko alam kung magpapasundo ba ako kay Daddy, o magpapahatid na muna ako kay Kuya Lando sa bahay namin.
Pero tiyak na mag-aalala si Athena sa akin. Ayoko rin namang ipahamak ang kambal kay Daddy. Minabuti kong sumakay na ng sasakyan.
"Kuya Lando, dito na po muna ako. Iidlip na muna ako habang naghihintay sa dalawa. Masakit po kasi ulo ko," pagdadahilan ko, at saka ako sumandal na at pumikit.
Malamang, mamaya pa darating iyung dalawa iyon. Lalo pa, at paniguradong wiling-wili pa si Josh doon sa court dahil kay Taylor.
Akala ko pa naman dahil sa ginawang paghalik sa akin kanina ni Josh ay espesyal ako sa kanya. Ako na kasi siguro ang pinaka-asyumera ng taon. Baka halik-kapatid lang naman kasi 'yun pero akong si tanga inakala ko na kung ano na.
Masisisi niya ba ako? Mula nang magka-isip ako, nasanay na akong nandyan siya sa tabi ko. Ako nga lang ba ang nag-assume na may espesyal sa aming dalawa?
Maya maya ay narinig kong nagri-ring ang phone ko. Bakit ba hindi ko naisipang i-off ang phone ko?
Kung sino man ang tumatawag ay wala akong balak na kausapin siya. Pinabayaan ko na lang itong mag-ring. Maya-maya ay narinig kong may nagri-ring uli, pero hindi iyun galing sa phone ko.
"Hello?" narinig kong sabi ni Kuya Lando.
Iyong phone pala niya ang nag-ring.
"Oo."
Sino kaya ang kausap ni Kuya Lando?
Iyon lang ang narinig ko. Mukhang tapos na silang mag-usap kung sino man ang tumawag. Pagkatapos ay katahimikan na uli. Pinipilit ko ang sarili kong makatulog pero sadyang madamot siya sa mga oras na ito. Narinig ko na lang ang pag bukas ng pintuan sa back seat.
Matinding pagpipigil ang ginawa ko para hindi ako mapadilat. Pero nang maamoy ko ang pamilyar na pabango na iyun, nakilala ko na kung sino ang nasa tabi ko.
"Okay lang ba siya, Kuya?" tila nag-aalalang tanong ni Josh.
"Masakit daw ang ulo niya," narinig kong sagot ni Kuya Lando.
Naramdaman ko ang pagdama ng palad sa noo ko.
"Wala naman siyang lagnat... Uwi na tayo," narinig kong sabi ni Josh.
"Akala ko may victory celebration pa kayo?" boses ni Athena.
"Mas importanteng maiuwi si Blaire. Tara na. Sumabay ka na. Idadaan ka na namin sa inyo."
Gusto ko sanang magsalita na tumuloy na sila sa celebration nila, at magpapahatid na lang ako kay Kuya Lando. Pero mabubuking naman nilang nagtutulug-tulugan lang ako.
Naramdaman ko na lang ang pag-uga ng sasakyan at pagtunog ng mga isinaradong mga pintuan. Maya-maya ay tumatakbo na ang sasakyan.
Muntik pa kong mapasinghap nang kinabig ako ni Josh para isandal ang ulo ko sa balikat niya. Maya-maya lang ay hinahaplos-haplos niya ang buhok ko.
Ang sarap sana sa pakiramdam, kung hindi ko lang sana alam na pagmamahal kapatid lang ang lahat ng ito. Ang sarap sana sa pakiramdam, kung iyong mga pag-aalaga niya sa akin ay hindi dahil sa ipinagbilin lang ako ni Daddy sa kanya.
Naramdaman kong huminto ang sasakyan.
"Oh pano? Ikaw nang bahala kay Hyacinth ha..." narinig kong sabi ni Athena.
Nandito na siguro kami sa bahay nila Athena.
"Yup!" maikling sagot ni Josh.
Maya-maya pa ay naramdaman kong tumatakbo na uli ang sasakyan namin. Naisipan kong magkunwaring dahan-dahang nagising.
"Baby? Ok ka lang?" tila naman tarantang tanong ni Josh.
Hinawakan ko pa ang sentido ko at nagkunwaring minasahe ito.
"Let me," sabi ni Josh, at saka inalis ang mga kamay ko sa sintido ko at saka niya itinuloy ang pagmasahe.
Pero tinabig ko ang mga kamay niya. "Okay na. Salamat."
Para namang natigilan siya sa inakto ko. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng guilt. Bakit nga ba ganito ang pakikitungo ko sa kanya ngayon? Naiinis nga kasi ako sa kanya, di ba? At gusto ko na siyang iwasan. Final.
Pero teka, bakit ko ba gagawin ‘yun? In the first place, si Taylor naman ang lumapit sa kanya. Si Taylor naman ang yumakap sa kanya. Choice ko naman na hindi lumapit kay Josh kanina. Kung lumapit siguro ako agad kanina, maaaring hindi na nakalapit si Taylor.
Pagkarating naman sa bahay ay agad na nakababa si Josh mula sa sasakyan. Nagulat na lang ako nang nasa tabi ko na agad siya.
"Okay lang ako, Josh. Kaya ko na ‘to."
"Do you want me to carry you?" tanong pa nito.
"Pwede ba? Sinabi na ngang okay lang ako, eh!" malakas kong sabi.
Nakita kong natigilan si Josh, kasabay ng muli akong nakaramdam ng guilt. "S-Sorry..."
Tumango lang si Josh. Nilampasan ko na siya, at saka ako nagmamadaling pumasok na sa loob ng bahay namin.
"Oh! Ang aga mo yata?" tanong ni Mommy na nabungaran ko sa sala.
"Aakyat na po ako sa kuwarto ko," sabi ko, sabay halik sa pisngi niya.
Nagpasalamat ako at hindi na ako kinulit ni Mommy. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon. Pagkadating ko sa kuwarto ko ay agad akong nagpalit ng damit at saka nahiga. Muling bumalik sa isip ko ang mga ka-sweetan kanina ni Josh sa sasakyan. Hindi maalis sa akin na hindi kiligin. Eto na naman ako. Naga-assume na naman ng nga bagay-bagay. Ako na yata ang assumera ng taon!
What if, wala lang pala kay Josh ‘yun? What if, parang sa kapatid lang pala ‘yung gestures niya kanina?
Hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang pag-iisip kay Josh. Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong mahihinang tapik sa braso ko.
"Baby... wake up..."
Pagdilat ko ng mga mata ko ay ang nakangiting guwapong mukha ni Josh ang tumambad sa akin. Bigla akong napabangon.
"Ano’ng ginagawa mo dito sa kuwarto ko?" nagpa-panic kong tanong.
Bahagya itong natawa. "Relax... dati naman akong pumapasok dito sa kuwarto mo, ah!"
Nakatingin lang ako kay Josh, at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. "Ang sabi ni Ninang, hindi ka nag-dinner. Binilhan kita ng favorite mong ramen. Kainin mo na, habang mainit pa..."
Dug-dug-dug-dug-dug-dug!
Oh my, heart... huwag kang lalabas sa dibdib ko!
***