CHAPTER 11 - BABY KO

1605 Words
Josh, Lovers don't finally meet somewhere. They are in each other all along... Hyacinth Sakay ako ng kotse namin ngayon kasi nagpasundo ako kay Daddy. "Ano’ng naisipan mo at nagpasundo ka sa akin ngayon?" sandali akong sinulyapan ni Daddy, tapos ay muling tumingin sa daan. "Ang boring kasi ng Foundation Day, Dad. Nakatunganga lang ako sa booth namin," walang gana kong sagot. "I mean, di ba lagi kayong sabay nila Josh at Jett umuwi?" "Mamaya pa sila. May exhibition game ang Hotshots. Eh, di ba bawal akong tumuntong ng gym? Eh, gusto ko na pong umuwi, kasi nga boring. Kung sumali siguro ako sa pageant, baka hindi ako nagkakaganito." Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at nasabi ko ‘yun. Gusto ko mang bawiin ay hindi na puwede. Lumalabas na parang sinusumbatan ko si Daddy sa hindi ko pagkakasali sa pageant, kahit ang totoo ay si Josh talaga ang kontrabida sa buhay ko. Narinig kong bumuntonghininga si Daddy, kaya napatingin ako sa gawi niya. "Sorry. Sige. One time, pagbibigyan kita sa pageant na ‘yan. But not now. You're too young for that right now. Okay? "tila naman pagpapakumbabang sabi nito. Bigla naman akong na-guilty. Hindi ko naman sinasadyang mabanggit ang tungkol sa pageant. Gusto ko lang naman na ilayo ang topic sa booth namin. "Sorry, Dad..." "It's okay, honey..." bahagya itong ngumiti sa akin. KINAGABIHAN, ti-next ko si Jett. To: Jett Hi! Hindi na muna ako sasabay bukas sa inyo sa pagpasok. Late na kasi ako pu- punta sa school. Hindi pa nagtatagal nung ibaba ko ang phone ko nang mag-ring ito. Jett calling... "Hi, Jett!" pagpapasigla ko sa boses ko. ["Goodness, Hyacinth Blaire! Hindi ko bibilhin iyang walang kwentang reason mo!"] Nanlaki ang mga mata ko. "Josh??" Tiningnan ko pa uli ang screen ng phone ko dahil baka nagkamali lang ako ng tingin kanina. Pero pangalan nga ni Jett ang nasa screen ko. ["Whether you like it or not, sasabay ka sa amin bukas. Kahit pilitan pa kita. Kahit maghilahan pa tayo dyan sa inyo. Wala akong pakialam. Basta, sa akin ka lang sasabay!"] Sasagot pa sana ako pero busy tone na ang narinig ko. Ugh! Bwisit! Sino ba talaga ang manhid sa aming dalawa? Hindi ba obvious na ayaw kong sumabay sa kanya? Na ayaw ko siyang makita? Na ayaw ko siyang makausap? Na galit ako sa kanya? Basta! Manigas siya bukas. Hinding-hindi talaga ako sasabay sa kaniya pagpasok bukas! I swear!! KINABUKASAN, sinadya kong magpatanghali sa karaniwang gising ko. Hindi rin naman ako kinatok ni Mommy. Alin sa dalawa - hindi ako dinaanan ng kambal o umalis na sila nung malaman nilang hindi pa ako gising. May bigat sa dibdib na bumangon ako. Nasanay na akong umaga palang ay andito na si Josh. Nasanay na akong kasabay siyang pumasok. Kaya mo yan, Hyacinth Blaire! Last year, magka-iba kayo ng school ni Josh, pero kinaya mo naman. Pero iba last year. Wala pa sa isip ko na posibleng may umaligid na ibang babae kay Josh. Last year, buo pa sa isip ko na ako lang ang baby niya. Mabigat ang katawan na naligo na ako. Nagbihis. Nag-ayos. Hanggang sa pagbaba ko sa baba para kumain ng almusal ay mabigat pa rin ang loob ko. Pero laking gulat ko nang madatnan ko si Josh at Jett na nakaupo sa dining table namin. "Ang tagal mo naman bumangon, Hyacinth... kanina pa ako inaaya nitong corned beef sa mesa ninyo, eh!" bati ni Jett. "A-Anong ginagawa n’yo dito?" takang tanong ko. Hinintay talaga nila ako? "Good morning, ba-Blaire!" sabi naman ni Josh, sabay tumayo. Nagtataka ako kung bakit siya tumayo pero nasagot din ang tanong ko nang ipaghila niya ako ng upuan. Wala akong nagawa kung hindi maupo sa upuan na hinila niya para sa akin. Nakatingin sa amin si Daddy, at ayokong makahalata siya na may sama ako ng loob kay Josh. Tiyak na mahabang paliwanagan iyon, at for sure, hindi ko iyon kayang ipaliwanag. "So, bakit late na ang pasok ninyo ngayon?" tanong ni Daddy. Natigilan ako. Ibig sabihin, sinabi nila kay Daddy na talagang late na ang pasok namin ngayon? Sasagot na sana ako nang magsalita si Josh. "Ninong, wala naman talaga kasing klase since Foundation Day lang naman. So, anytime pwede kaming pumasok," sabi nito. "Dapat pala, huwag na lang kayong pumasok. Wala naman palang klase," sagot ni Daddy. "Hay naku... ayan na naman siya… para namang hindi ka nagdaan sa ganyan, Adam..." singit ni Mommy. "Iyon nga, eh. Pinagdaanan ko na, kaya alam ko na wala naman silang gagawin doon kung hindi ang magharutan." "Adam, hayaan mong pagdaanan ng mga bata ‘yun. Hayaan mo lang silang mag-enjoy. Palibhasa pagdi-date lang ang inaatupag mo kapag Foundation Day." Para namang warning iyon na biglang nakapagpa-trigger kay Daddy. "Oy, kayong dalawa! Lalo na ikaw, Josh. Bantayan mong mabuti itong si Hyacinth. Baka mamaya magdi-date lang ito. Huwag ninyong hiwalayan ng tingin! Baka matakasan kayo. Lagot kayo sa aking dalawa..." "Siyempre naman, Ninong! Bantay na bantay ‘yan kay Josh. Si Josh pa ba!" mayabang namang sagot ni Jett, habang pasimple siyang sinamaan ng tingin ni Josh. Marami pang napag-usapan si Daddy at ang kambal tungkol sa basketball. Tumahimik na lang ako, at hindi na sumali sa usapan nila. Wala rin naman akong maiiambag na sagot. "Oh, kung tapos na kayong kumain, magsi-alis na kayo. May gagawin pa kami ng Ninang n’yo," pagtataboy ni Daddy sa amin. "Anong gagawin n’yo, Daddy?" inosente kong tanong. Nakita ko namang pinandilatan ito ng mga mata ni Mommy. "Ano.... Magliligpit ng pinagkainan ninyo," defensive na sagot ni Daddy. "Hus! Iyon lang pala, eh!" "Oo! ‘Yun lang! Tayo na diyan. Magsilayas na kayo.... tanghali na kayo. Dali na…" pagtataboy ni Daddy sa amin. Dali-dali naman kaming nagtayuang tatlo. "Bye, Daddy... bye, Mommy..." nilapitan ko bawat isa, at saka humalik sa pisngi nila. Nagsipagmano naman ang kambal, at saka sumunod na sa akin palabas. AS USUAL, ganun pa rin ang seating arrangement namin. Si Jett sa unahan, katabi ni Kuya Lando, at kaming dalawa ni Josh sa back seat. Ang kaibahan lang, this time ay naiilang ako. Kung bakit? Hindi ko alam. Tahimik lang ang lahat habang binabagtas namin ang ruta papunta sa school. "Baka mapanis ang laway niong dalawa dyan..." biglang sabi ni Jett na hindi lumilingon sa aming dalawa. Napatingin ako kay Josh na nakatingin din pala sa akin. Bigla tuloy akong nag-iwas ng tingin dito. "Nood ka ng first game namin mamaya please..." narinig kong sabi ni Josh. Nilingon ko ito. Sasabihin ko sana na bawal ako tumuntong sa gym pero naunahan ako nito. "Pinagpaalam na kita kay Ninong kanina." Naiwang naka-hang sa ere ang nakabukang bibig ko. Nang marinig ko iyong sinabi niya ay pinilit kong isara ang bibig ko. "Sabay din tayong uuwi mamaya. Nag-promise rin ako kay Ninong na ihahatid kita. Namin pala" Ibinaling ko ang tingin ko sa labas ng bintana. Paano ko ba siya iiwasan? Kung lagi naman niyang inilalapit ang sarili niya sa akin? "Please... baby ko...." Pakiramdam ko ay bigla akong nag-hyper ventilate kahit wala naman akong sakit na hika sa narinig ko kay Josh. Ano daw? Baby ko? Baby niya ako? "Baby--" "Sige na. Manonood na ko," nasabi ko nang hindi nauutal. "Thanks, baby!!" Nabigla ako nang akbayan ako ni Josh, at saka hinapit ako palapit sa kanya at halikan ako sa ulo. Naamoy ko tuloy ang pabango niya na tamang-tama lang ang bango. Bigla namang bumilis ang t***k ng puso ko sa ginawa niyang iyon. Napatingin tuloy ako kay Kuya Lando at Jett. Napaiwas tuloy ako ng tingin nang magtama ang tingin namin ni Kuya Lando sa rear mirror. Pilit ko tuloy inalis ang braso ni Josh sa balikat ko. "Oy, Josh... nililigawan mo ba yang si Hyacinth?" tanong ni Kuya Lando. Narinig kong tumawa si Jett. "Hindi ‘noh, Kuya! Saka baby pa ‘yan..." nakangiting sabi ni Josh. Inirapan ko lang siya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa sinabi niya. Pero alam ko namang malalagot kaming dalawa kapag narinig ni Daddy ang ganoong balita. "Tara na nga dito, baby..." sabay akbay uli sa akin nito. Pero pinalo ko lang nang pinalo ang braso nito. "Aray! Aray! Ang sadista mo, baby..." sabi nito habang hinihimas niya ang pinalo kong braso niya, samantalang tawa lang nang tawa si Jett sa unahan. Pagdating sa school parking ay agad akong bumaba mula sa sasakyan, pero hinabol ako ni Josh. Huminto ako at saka nilingon ito. Ngayon ko lang siya masinsinang napagmasdan. Medyo lumaki na pala ang katawan niya. Siguro ay dahil sa palagiang training nila sa basketball. Hindi na magka-match yung edad niya at hulma ng katawan niya. Tingin ko sa kanya ay mamang-mama na siya. "B-Bakit?" naiilang na tanong ko. Hindi pa rin kasi ako maka-move on sa nangyari kanina sa sasakyan nila. Pakiramdam ko hanggang ngayon ay sobrang bilis pa rin ang t***k ng puso ko. "Ire-reserve ko na iyung magiging upuan ninyo ni Athena mamaya, ha... walang ibang pwedeng umupo doon kung hindi kayo lang dalawa. So, huwag mo ako indyanin ha? Kung hindi... isusumbong kita kay Ninong!" nakangiting sabi nito, sabay nakaw ng halik sa pisngi ko. Mabilis itong nakatakbo kaya hindi siya inaabutan ng paghampas ko. Malapad ang ngiting kumaway pa siya sa akin, bago tumakbo na uli palayo. Agad naman akong nagpalinga-linga sa paligid. Buti na lang at mukha namang walang nakakita sa ginawa niya. Atomatikong nahawakan ko ang pisnging hinalikan niya. Nag-umpisa na akong humakbang. Hindi ko na kayang pigilin ang pagngiti ko kaya agad akong yumuko. Baka akalain pa ng mga nakakasalubong ko na nababaliw na ako. Correction pala. Mababaliw pa lang.... ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD