CHAPTER 10 - SI MANHID AT SI MADAMOT

1507 Words
Josh I don't care how many people are there in the world as long as I have you... Hyacinth Naiinis ako pero ayaw kong ipahalata kay Daddy. Hindi naman ako kay Daddy naiinis. Naiinis ako kay Josh, kasi ang kapal ng mukha niyang makialam sa akin. Hindi pa nga siya okay sa pangingialam niya sa phone at social media account ko last time, eto na naman siya! Nang sinundo nila ako ni Jett kaninang umaga ay tahasan kong ipinakita kay Josh na ayaw ko siyang kausapin, o pansinin man lang. Hindi naman siya nagpumilit na kausapin ako. Dumistansiya rin naman siya sa akin. Buti naman at nakahalata siya! Pagdating ng recess, nagpaalam ako kay Athena na hindi muna ako sasabay. Naikuwento ko na sa kanya iyung nangyaring panghihimasok ni Josh sa pagpapaalam ko kay Daddy sa pagsali ko sa pageant. "Huwag kang magagalit, Hyacinth, ha... kayo ba ni Josh?" tanong nito. "Hindi ‘noh!" nanlalaki ang mga matang tanggi ko. "Kahit MU?" dagdag nito. "No!" "Eh, bakit parang jowa ka niya kung bakuran ka?" nagtataka pa ring tanong ni Athena. "Nasanay lang ‘yun maging protective sa akin. Kaso um-over naman!" sagot ko sa kanya. "At saka, hindi ako type nun! Ang type niya, eh ‘yung mas matanda sa kanya. Katulad ni Taylor!" dagdag ko. Nakita kong ngumiti si Athena. "Nagseselos ka?" tanong sa akin nito, na ngiting-ngiti pa rin. "What? Excuse me! Alam mo, mabuti pa, pumunta ka na sa cafateria bago mabaling sa’yo ang inis ko," sabi ko sa kanya. "Relax... high blood kaagad. Para tinatanong lang, eh. Eh, di hindi kung hindi. Bye!" paalam nito, na hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mukha niya. Naglakad ako papunta sa hagdan. Umakyat ako. Ang balak ko ay sa rooftop magpalipas ng recess. May baon naman akong laging sandwich saka tubig. Okay na ako dun. Tamang-tamang pagdating ko sa rooftop ay walang katao-tao. Mukhang umaayon sa akin ang pagkakataon. Gusto kong mapag-isa muna ngayon. Inilabas ko iyung baon kong sandwich at tubig, at saka inumpisahan nang kainin ito. Nangangalahati na iyung sandwich ko nang biglang bumukas ang pintuan. And of all people na pwedeng dumating dito sa rooftop, si Josh Cedric KJ Madrigal pa talaga! Nag-iwas ako ng tingin. Sa dinami-dami ng tao dito sa campus, siya pa talaga ang aakyat din dito sa roof top? Patay-malisya na lang ako na hindi ko alam na siya iyong dumating. Nagulat na lang ako nang bigla ako nitong tabihan. Bakit ba nandito itong lalaki na ‘to? "Bakit ka nandito?" narinig kong tanong niya. Inignora ko lang siya at hindi ako sumagot. Itinuloy ko lang ang pagkagat ko sa tinapay ko. Alam kong nakatingin siya sa akin, pero pinilit kong huwag siyang pansinin. Pagkatapos ng ilang sandali ay narinig ko siyang bumuntonghininga. "Galit ka ba dahil kinontra ko iyong pagsali mo sa Ms. St. Andrew's? Bakit ba gustong-gusto mong sumali doon? Para mai-display mo ‘yung legs mo?" tanong nito. Determinado akong huwag siyang kausapin, kaya hindi ko pa rin siya sinagot. Manigas ka riyan! Nang hindi niya ako narinig na sumagot ay muli itong nagsalita. "Magsusuot ka ng swimwear, eh wala ka namang b**bs." That made my temper shoot up! "Hoy, Josh! Gusto mo ba, hubarin ko itong uniform ko dito ngayon sa harapan mo para makita mo kung sino ang walang b**bs!?" Nakita kong siya naman ang natigilan. Actually, nabigla din ako sa sinabi ko. Ngayon ko lang na-realize kung ano ‘yung lumabas mula sa bibig ko, pero pinanindigan ko na lang na wala lang sa akin iyong sinabi ko. Tila naman hindi mapakali si Josh. Tumikhim muna ito, bago nagsalita. "Not now, baby. Pagdating ng tamang panahon huhubarin ko rin ‘yan. Just wait," sabi nito, sabay tayo at saka naglakad palayo. Ano raw 'yun?? HINDI ko pa rin kinikibo si Josh ilang araw na. Hindi rin naman siya nage-effort na kausapin ako. Gusto ko na nga ring sabihin kay Daddy na ikuha na lang ako ng school service, pero paniguradong hindi niya agad paniniwalaan ang dahilan ko at tatanungin muna niya si Josh. And knowing Josh, malamang mas paniwalaan pa siya ni Daddy kaysa sa akin. "Hindi pa rin ba kayo okay na dalawa? Ang tagal na niyan, ah!" pagpuna sa amin ni Jett. As usual, nakaupo ito sa unahan at nasa back seat kami ni Josh. "Hindi mo pa kasi sabihin!" sabi ni Jett kay Josh. "Tumigil ka nga, Jett," seryoso nitong sagot. "Tsk! Sabihin mo na nang matapos na..." "Manahimik ka diyan, Jett...." tila nagpipigil na sabi ni Josh. "Bahala nga kayo!" sabi nito, at saka tumalikod sa amin. Ngayon ang unang araw ng Foundation Day kaya walang klase ang mga estudyante. Hindi na nga ako nakasali sa Ms. St. Andrew's kaya wala akong pagkakaabalahan. Maghapon na lang siguro akong magbabantay sa booth ng section namin. Pagkadating namin sa school ay agad akong bumaba sa sasakyan. Narinig ko na lang na tinatawag ako ni Josh. "Baby, wait for me..." Napahinto ako sa narinig kong sinabi ni Josh. Huminga muna ako nang malalim, at saka siya hinarap. "Tigilan mo na nga ang pagtawag sa akin ng baby! Mamaya may makarinig pa dyan isipin pa nila may relasyon tayo,” pigil ang inis na sagot ko sa kanya. Nung una ay tila nabigla si Josh sa sinabi ko. Pero biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Eh, di mas maganda. At least, alam nila na taken na ko," nakangiting sabi nito. Pinaikot ko ang mga mata ko. "Ewan ko sa’yo!" Tinalikuran ko na si Josh. Wala rin namang kuwenta ang usapan namin. Pero nakaka-ilang hakbang pa lang ako nang naramdaman ko ang paghawak ni Josh sa braso ko. "Baby, wait... invite lang kita bukas. Manood ka ng exhibition game namin. Please?" kita ko ang pagmamakaawa sa mga mata nito. Itinaas ko ang isang kilay ko. "Hindi ba ikaw pa ang nag-suggest sa Daddy ko na pagbawalan akong manood ng kahit training lang? Tapos ngayon, magmamakaawa ka sa akin na manood ako? Hah! Patawa ka!" at saka ko tinagtag ang braso ko, para makawala sa pagkakahawak niya. This time, hindi na niya ako hinabol. Dumerecho na ako sa booth namin. Nadatnan ko si Athena na andun na. "Oh! Ang aga-aga sambakol na ‘yang mukha mo!" bati nito sa akin. Padabog kong inilapag ang bag ko sa isang upuan doon. "Eh paano, ang aga-aga rin akong binuwisit ng pakialamerong ‘yun!" inis na sagot ko. "Sino? Si Josh ba?" tanong ni Athena. "Sino pa ba? Sino ba’ng dakilang pakialamero sa buhay ko!?" sagot ko sa kanya, at saka ako naupo sa silyang pinagbabaan ko ng bag ko. "Hus! Manhid ka ba? Madamot lang si Josh," sabi ni Athena, habang may inaayos na mga papel sa mesa. Kumunot ang noo ko. "Madamot?" takang tanong ko. "Oo. Madamot. Ayaw kang i-share. Binabakuran ka. Ganun," paliwanag niya. Lalo pang kumunot ang noo ko "Ha? Bakit naman niya ako babakuran?" "Ay sus! Eh, ano pa? Eh di, may gusto sa’yo! Tsk! Manhid ka talaga..." "Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi ako ang tipo nun, kung hindi ‘yung mga tipo ni--" "Ni Taylor? Ano naman bang proof mo na type nga ni Josh si Taylor? Sige nga," hamon nito sa akin. "Ano... eh, di laging nakadikit sa kanya si Taylor. Tapos, iyong picture nila sa soc med, naka-akbay sa kanya si Taylor. Tapos, nasosolo ni Taylor si Josh sa gym, kasi ayaw ako papanoorin ni Josh ng practice nila. Saka--" "Oh, eh... ikaw na nga ang maysabi si Taylor ang dumidikit. Hindi naman si Josh," pagtatanggol nito kay Josh. "Kahit na! Gustung-gusto naman niya!" nakasimangot na sabi ko naman. "Ewan ko sa’yo! Binibigyan mo ng problema ang sarili mo kahit wala naman," sabay tapik nito sa noo niya. Huminga ako nang malalim, bago nagsalita. "Sabi nila, ito ang pinakamasayang yugto ng pagiging estudyante... ang High School. Eh, hindi ko naman maramdaman! At iyun ay dahil sa pakialamerong ‘yun!" Hindi ko alam kung ayaw na lang mag-react ni Athena sa akin, o dahil sa nagdatingan na ang mga classmates namin. Marriage Booth ang natoka sa amin kaya iyung ibang lalaki ay halinhinang magdadamit-pari. Iyong iba naman ay siyang maghahanap sa mga pangalan na isa-submit sa amin para kunwariang ipakasal. Kaming mga babae naman ang maga-asiste sa pekeng pari, at tatanggap ng mga request. Hindi ako pinatao ni Athena sa harapan sa pagkuha ng request. Baka raw kasi walang lumapit sa booth namin kapag nakita ang di maipintang mukha ko. So nagkasya na lang ako sa pag-assist sa mga kailangan ng pekeng pari, at pagkuha ng pictures ng mga kunwaring ikinakasal. Nagulat na lang kaming lahat nang nagkaroon ng pagkakaingay sa labas ng booth namin. May hila-hilang pareha ang mga classmate naming siyang tagahanap ng mga taong nasa listahan. Noong una ay hindi ko makita kung sino ang mga iyon dahil sa dami ng kasama nilang miron na nakikigulo. Pero nang maipasok na sila sa loob ng booth namin ay bigla akong pinanlamigan ng katawan. Dahil nasa harapan ko ngayon si Taylor.... at si Josh. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD