Josh,
I love my eyes when you look into them. I love my name when you say it. I love my heart when you touch it. I love my life when you are in it...
Hyacinth
"Hyacinth naman, eh..." reklamo ni Athena.
"What? Anong magagawa ko? Hindi nga puwede..." sagot ko.
"Paano mo mapapanood maglaro si Josh niyan?" nakanguso nitong sabi.
First practice ng Hotshots ngayon, ang tawag sa basketball team ng St. Andrew’s, kaya nangungulit sa akin si Athena na samahan ko siyang manood.
"Okay lang ako. Ikaw na lang ang manood. Sa library na lang muna ako. Magkita na lang tayo after," sabi ko dito.
"Ano ba kasing naisipan ni Josh, at sinabi niya ‘yun sa Daddy mo?" reklamo pa rin nito.
Nagkibit balikat ako. "I don't know... basta ang alam ko, isa siyang malaking KJ."
"Hindi mo man lang ba siya kinumpronta regarding dun?" tanong nito, pagkatapos niyang kagatin ‘yung donut na binigay ni Jett sa kanya kanina.
Umiling ako.
"Hindi na. Para ano pa? Sa kanya pa rin naman maniniwala si Daddy. Bahala siya! Kung ayaw niya akong manood, eh di ‘wag." kalmado kong sabi.
Care ko! Makikita ko lang sila ni Taylor doon na naglalandian. Mabuti pang huwag na akong manood.
"Oh, sige. Okay lang talaga sa iyo, ha? Ang alam kasi ni Jett, manonood ako sa kanya, eh," sabi nito.
"Oy, alam mo... kayong dalawa ni Jett... mukhang may something na sa inyo, ah..." panunukso ko.
Agad namang namula si Athena.
"Naku... hindi... masaya lang talagang kasama si Jett... hindi katulad ni Josh mo. Laging seryoso," sabi nito.
Josh mo. Ngumiti ako.
"Ganun lang talaga ‘yun kapag sa ibang tao. Madaldal din naman 'yun kapag kami-kami lang..."
"Sinabi mo, eh! Oh, pa'no? Aalis na ko..."
"Sige lang, Don't worry about me. Okay lang ako," nakangiting sagot ko kay Athena.
"Oh, sige. Kitakits na lang mamaya, ha..." at saka ito nag-umpisa nang humakbang palayo.
Tumalikod na rin ako para magpunta sa library. Mamaya pa ako makakauwi, pagkatapos ng basketball practice ng kambal. Every Friday ang practice nila, so every Friday ay magiging laman ako ng library.
Hmp! Masasanay din ako. Mabuti pang gawin ko na ang homework ko ngayon.
NAKASAKAY na kami sa sasakyan ng kambal. Ihahatid muna namin si Athena sa kanila. Katabi ko ito sa backseat at katabi naman niya si Jett sa kabilang side niya. Nasa unahan si Josh. Tahimik lang ito mula kaninang umalis kami sa school. Napagod siguro sa practice nila.
Maingay ang kuwentuhan nila Athena att Jett. Puro tungkol lang naman sa practice nila Jett kanina. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Si Josh ay tahimik pa rin sa unahan at hindi humahalo sa usapan namin. Hanggang sa makarating kami sa bahay nila Athena ay wala akong narinig ni isang salita mula kay Josh.
"See you on Monday, Hyacinth…" paalam ni Athena sa akin.
"Yeah. See you..."
Bumaba na ito sa sasakyan. Iniabot ni Jett ang bag niya na naghihintay na sa labas ng sasakyan. Pumikit ako para sana makaidlip kahit sandali sa biyahe. Narinig ko na lang na may sumarang dalawang pintuan.
Bakit dalawa? Si Jett lang naman ang bumaba.
Binalewala ko na lang iyun nang marinig kong tinawag ako ni Jett.
"Hyacinth..."
Nagdilat ako ng mga mata at nagulat ako nang makita kong si Josh na ang nasa tabi ko at nasa unahan na nakaupo si Jett.
"Hyacinth, may sasabihin sa’yo si Josh," nakangiting sabi ni Jett sa akin. Nanunukso ang ngiti nito. Sabagay lagi namang ganito si Jett sa amin ni Josh. Norma na sa kanya ang ganyang mukha niya.
Napilitan akong tumingin kay Josh. Para namang nahihiya ito na hindi makatingin sa akin.
"Pwede ka nang manood ng practice namin," sabi nito.
Maang akong nakatingin kay Josh. Ano ‘to? Nakipagkasundo siya kay Daddy nang pagbawalan akong manood ng practice ng basketball, tapos ngayon sasabihin niya na pwede na akong manood?
"As long as hindi mo kakausapin si Peyton sa practice. Then, after practice derecho uwi na rin tayo," paliwanag nito.
So, si Peyton ang tinutukoy niyang crush ko na player. At sino naman kasi ang nagsabi sa kanya na crush ko si Peyton?
"Bahala ka," maikli kong sagot sa kanya, para hindi na lang humaba ang usapan.
Okay lang naman ako, kahit hindi na ako manood. Wala naman sa akin kung andun si Peyton. Ang ayoko lang, eh ‘yung makita ko silang sweet doon ni Taylor.
"Huwag ka na lang maingay kay Ninong," pahabol pa nito.
"Okay," tipid kong sagot.
At saka ako sumandal na sa upuan para umidlip. Ang balak ko lang naman ay pumikit para hindi na ako kausapin ni Josh, pero nagulat ako na nakaidlip pala talaga ako. Nagising ako nang huminto na ang sasakyan. Pero mas nagulat ako nang magising ako na nakapatong pala ang ulo ko sa balikat ni Josh.
At ang mas lalong kagulat-gulat ay iyong pagdilat ko ng mga mata ko ay mukha ni Josh ang bumungad sa akin. Sobrang lapit nito na halos amoy ko na ang hininga nito. Agad akong lumayo dito.
"Nakatulog pala ako. Sorry..."
Hindi ito nagsalita, at agad na kinuha ang bag ko sabay baba. Hinatid ako nito hanggang sa makapasok ng gate namin. Pagkapasok ay kinuha ko na ang bag ko sa kanya.
"See you tomorrow..." sabi niya.
Tumango lang ako, at saka tumalikod na para pumasok sa loob ng bahay namin. Tuwing Sabado kasi ay may salu-salong nagaganap sa magkakaibigan - si Daddy, Ninong Judd, Tito Chad at Tito Klarence. Umiikot sa bahay ng apat na magkakaibigan ang venue. Bukas ay sa bahay ni Daddy ang toka.
As usual, nag-shower muna ako nang makapagpahinga nang konti. Pagkabihis ko ay kinuha ko ang laptop ko. Pag Friday after school ay pwede kaming gumamit ng laptop at mag-browse. Nagulat na lang ako nang makita kong may chat message sa akin si Athena pagka-log in ko.
Athena:
Hyacinth!!!!
You:
Bakit? Ano nangyari?
Athena:
May friend request sa akin si Peyton.
Check mo. Baka meron din sa’yo!!!!!!
Sa dami ng exclamation point ni Athena, paniguradong-panigurado na kilig na kilig ito ngayon. Akala ko ba si Jett ang crush niya? Saka para friend request lang, ganito na reaksiyon ng babaeng ‘to!
Nag-check nga ako ng friend request ko, at nakita ko nga ang pangalan ni Peyton dun. Agad ko namang in-accept ‘yun. Nagulat na lang ako nang bigla na lang may chat message sa akin si Peyton.
Peyton:
Hi! ?
You:
Hello
Agad akong nag-chat kay Athena.
You:
Magka-chat na kami ni Peyton ?
Pero seen zone lang ako ni Athena. Icha-chat ko pa sana siya nang may sumulpot na chat mula kay Peyton.
Peyton:
Busy?
You:
No. Hindi naman...
Peyton:
Hindi yata kita nakita kanina sa gym?
You:
Sa practice n'yo ba? May importante a-
kong ginawa kasi. Don't worry. Next Fri-
day, manonood ako.
Peyton:
Really??
You:
Oo nga...
Peyton:
Wow! I can't wait for Friday to come...
Sasagot pa sana ako kay Peyton nang biglang tumunog ang phone ko.
Daddy calling.....
Ha? Nasa kabilang
["Enough of that, Hyacinth Blaire. Matulog ka na."]
"Po??"
["Tama na ang pakikipag-chat."] sabi nito.
Napatingin ako sa laptop ko. Paano nalaman ni Daddy na may ka-chat ako?
"O-okay po. Bye..."
Bago ko i-log out ang account ko ay napatingin ako sa nakabukas na dialogue box.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na kay Josh ko pala nai-chat kanina yung message ko para kay Athena na magka-chat na kami ni Peyton. Natapik ko ang noo ko.
Engot ka, Hyacinth Blaire!
At malamang, walang duda na si Josh ang nagtsutsu kay Daddy na may ka-chat ako. Inis na dali-dali akong bumangon para tawagan si Josh. Dalawang ring lang ay sumagot na agad ito.
["Yes, baby?"] sagot nito.
"Hoy, Josh! Ano bang problema mo ha!?" inis na tanong ko dito.
["Anong problema, baby?"] pagmama-maang maangan nito.
"Anong karapatan mong isumbong ako kay Daddy kung sino ang ka-chat ko?"
Hindi ito agad nakasagot. Tapos ay narinig ko pa ang pagbuntonghininga nito sa kabilang linya.
["Hindi mo kilala si Peyton."]
"What? Ano bang sinasabi mo?"
["Basta! Huwag kang makipaglapit sa kanya, o kahit na kaninong guy sa school. Period!"]
Magsasalita pa sana ako pero pinatayan na niya ako ng tawag. Wala na akong nagawa kung hindi iligpit na ang laptop ko at matulog na.
'Yun eh, kung makakatulog ako sa kabila ng inis ko kay Josh!
Hinanap ko ang phone ko para i-chika kay Athena iyung nangyari. Pero nagulat na lang ako nang makitang may text sa akin si Athena.
From: Athena
Hyacinth, bakit mo daw bi-nlock sa chat si
Peyton?
Nasabunutan ko na lang ang buhok ko. Walang kaduda-duda kung sino ang may gawa nito. Nag-mental note ako na sa susunod, hindi ko ipamigay ang mga password ko kahit kanino, lalong-lalo na kay Josh.
Josh Madrigal!!! Nakakainis ka na!!!
Dinampot ko ang phone ko para tawagan siya. Pero may nakita akong message niya.
From: Josh
Bawal ka na uling manood ng practice ng
basketball. Binabawi ko na ‘yung sinabi
ko kanina.
At siya pa ba ang may ganang magalit? Nag-umpisa akong tumipa ng sagot ko.
To: Josh
I don't care! Kung ikaw rin lang ang pano
orin ko dun, di bale nang hindi ako mano-
od! Kahit kailan, KJ ka! KJ ka forever!!!
Nagpunta ako sa contacts ng phone ko. Hinanap ko ang pangalan ni Josh at saka in-edit 'yun.
KJ Madrigal
Iyan ang inilagay kong pangalan niya sa contacts ko. Tutal, mas bagay sa kanya 'yang pangalan na 'yan.
In-off ko na ang phone ko. Ayoko nang maka-receive ng reply galing kay Josh. Nakakahiya kay Peyton. Ano na lang ang sasabihin ko sa kanya? Ayoko namang i-unblock. Tiyak na malalaman ni Josh at isusumbong na naman ako kay Daddy.
Humiga na ako. Makatulog na nga lang! Tutal, nasira na ni KJ Madrigal ang gabi ko.
***