AUBREY Marami kaming napag-usapan ni Dexon. Kung saan-saan na lang napunta ang usapan namin hanggang sa napa-ngiwi ako kasi naramdaman ko ang malakas na pagsipa ng isa sa mga batang nasa loob ng tiyan ko. Malimit ganito ang nararamdaman ko, hanggang na tingin ko ay nagising na silang lahat at nagsimula nang maglumikot. Sumandal ako ng maayos sa sofa para ma-relax at inutusan ko si Dexon na lagyan ng pillow ang likuran ko bilang suporta. Lumuhod sa harap ko ang asawa ko at itinaas niya ang laylayan ng maternity dress na suot ko para pagmasdan ang pag-alon-alon ng tiyan ko. Namula tuloy ang mukha ko ng titigan niya ang umbok na bahagi ng katawan ko at pinagmamasdan kung paano parang alon na umaalon ang sinapupunan ko. "Hey, boys, listen to daddy. Calm down first. Huwag ninyong pahirapan