"Kumusta naman ang buhay na malayo sa akin? Nag-enjoy ka ba? Na-miss mo ba ako? I understand kung ninais mo na mag-explore no'ng tayo pa. Boring ba no'ng tayo pa? Masyado ba kitang ginalang noon kaya ka nagloko?" patuloy ako sa pagsubo. Hihinto lang kapag punong-puno ang bibig. "Gusto mo pala ng s*x, bakit hindi ka na lang nagsabi? Nagpabuntis ka pa sa iba. Ano na ngang pangalan ng anak mo? Atlantis? Nice." Salita lang ako nang salita. Pero tikom ang bibig ng babae na nakatitig lang sa akin. "Siguro kung hindi tumakas si Matilda, wala siguro tayong problema. Baka dalawa pa kayong nakagapos d'yan, gaya nang dati. Tatlo tayo sa iisang bubong. Hindi ba't masaya iyon?" "Cheater lang ang sasaya sa gano'n setup." "Oh, cheater? Pareho lang naman tayo. Ano bang pinagkaiba natin?" "Hindi tay