Sinulyapan ko ang aking ina na nakahiga sa kama. Nakatali ang kamay at paa, pati na rin ang bibig ay may busal. Pagod na siguro itong umiyak. Kasi ilang araw na itong tahimik lang. Umupo ako sa tabi nito. Panay ang buntonghininga. Balitang-balita ang pagkamatay ni Matilda. Hindi nabigo si Vicente sa misyong n'yang iyon, pero naisiwalat na ni Matilda ang lahat ng baho namin. Namatay si Vicente at wala kaming balak na makialam pa sa bangkay nito. Agad kaming tumakas ni dad kasama si mama. Pinaghahanap na kami ngayon. May reward pa nga sa makapagtuturo kung nasaan kami. Sa isang iglap, wasak ang lahat ng mga pinaghirapan namin. Pamilya, kompanya, pangalan. Kaya talagang tama lang na naisin kong makuha si Tabitha. Kapag nakuha ko si Tabitha, opportunity iyon upang mabuo kong muli ang s