"Tita Tabitha!" tili ng kambal nang makita nila ako sa labas ng gate. Kaway nang kaway na halatang excited. "Look, may mga stars po kami. Tita, ang galing naming mag-dance and sing ni Aly." Pagbibida ng batang babae. Naluluhang lumuhod ako sa kanila at mahigpit silang niyakap. "Are you okay?" tanong ng mga bata sa akin. "Si mama po? Nasa jail na po ba siya? Sabi ni teacher kanina sa akin, tama raw po na ang taong may nagawang pagkakamali ay magpunta ng jail. Tama raw po ang ginawa ni mama." "U-wi muna tayo." Naluluhang ani ko sa mga ito. "Tita?" halatang nababahala na ang mga ito. Pero mas pinili ko munang iuwi sila. Pagdating sa bahay ay agad akong hinawakan ng dalawa sa mga kamay at iginiya patungo sa couch. Mas pinili kong paupuin sila saka ako lumuhod sa harap nila. "Tita, what