Isang umaga na naman na malamig na tubig ang gumising sa akin. Buhay pa ako, kahit ilang ulit ko nang sinubukan mamatay ay hindi ako mamatay-matay. Dito nga talaga yata sa lupa ang impyerno ko. Pinilit kong bumangon, lalo't basang-basa na naman ako. Kung noon ay nagkakasakit pa ako, sa tuwing binabasa nila ako ng ganito. Ngayon, nakapag-adjust na ang katawan ko. "Bumangon ka na d'yan. Ngayong araw ay magdadamo ka ulit." Kung ang mga tauhan sa hacienda na ito ay pahinga nila ang sabado at linggo. Sa akin naman ay tuloy pa rin ang trabaho. Kailangan ko kasi talagang pagtrabahuan ang bawat pagkaing isusubo ko. Kumilos na ako. Kinalas na lang ang kadena na nakakabig sa mabigat na bakal, hindi na rin iyon dinala. Dahil dalawa na iyong gano'n dito sa hacienda. Lulugo-lugong lumakad ako, na