"D-on Delmundo?" anas ko nang makita ko ang matanda na bumungad sa kulungan kung saan ako natutulog. May disgusto sa kanyang titig. Hawak na naman nito ang baston na tiyak kong maihahataw na naman sa akin oras na magkamali ako ng sagot dito. "Kumusta, Nemfra? Nahihirapan ka na ba?" tanong nito sa akin. "Anong gusto mong isagot ko sa 'yo, Don Delmundo?" mahinang tanong ko rito. Ito na naman ako, alam ko na ang possible na sapitin ko, pero hindi ko makuhang sumagot nang tama rito. "Gusto kong marinig ang pagmamakaawa mo. Gusto kong marinig na nahihirapan ka na." Tinitigan ko ito. "Pwes. . . hindi iyon ang maririnig mo sa akin." "Ingrata." "Kaya patayin mo na ako, Don Delmundo." Udyok ko rito. Pero umiling ang matanda. "Nais mo nang mamatay? Hindi ko ibibigay iyan sa 'yo. Kung m