“All right, guys. It is our time to shine!” masiglang sabi ni Melissa habang ipinapalakpak ang dalawang kamay. Nandito pa rin kaming lahat sa loob ng booth namin. Ilang oras na rin kaming nakatambay lang dito. Walang kahit sino man sa kanila ang nagpasyang lumabas para maglibot man lang. Sa akin ayos lang naman na manatili ako rito dahil hindi naman ako mainipin. Mabuti nga hindi man lang nakaramdam ng pagkabagot itong mga kasama ko. Sabi ko nga, tamad akong magala kaya pabor sa akin kapag nananatili sa isang lugar. Siguro nga kung wala lang pasok ngayon ay nagkulong lang ako sa loob ng kwarto ko. Ako kasi ‘yong tipo ng tao na natutuwa kapag hindi natutuloy ‘yong mga planong gala. We are just talking about random things to pass the time. May mga bagay rin akong nalaman tungko