“Good evening, everyone!” Ang hiyaw ni Leinard ang bumulabog sa isip kong nagliliwaliw pa kung saan-saan. Naibalik ko ang atensyon sa entabladong nasa harapan ko lang. May ilaw na muli roon kaya nakikita na kung sino ang mga nasa gitna. At hindi nga ako dinadaya ng aking pandinig kanina, totoong ang lider ng aming sektor ang unang magpe-perform para sa gabing ito at matikas siyang nakatayo sa harapan kasama ang iba pa naming miyembro. Paanong hindi ko man lang nalaman na may ganito siyang gagawin? Wala man lang silang nabanggit kanina. Akala ko kung ano nang mini concert ang tinutukoy nila kanina. Tapos ang nakakatawa pa, petiks lang silang lahat kanina kaya hindi ko aakalain na may ganito silang ganap. Tsk. Si Leinard ang may hawak ng mikropono at mayroon ding nakas