“I want to apologize in advance because I am only going to sing two songs tonight.” Nagpatuloy sa pagsasalia si Raiden sa unahan habang ako naman ay matamang nakikinig. Gustuhin ko man na ilayo ang tingin sa kaniya ay hindi ko magawa. Sa huli ay sa kaniya pa rin talaga iyon bumabagsak kahit na ano pang iwas ko para tumingin sa iba. Sa tuwing bumubuka ang kaniyang labi ay napapabuntong-hininga na lang ako. Since the day that we shared our first kiss, I am always seeing myself missing his lips on mine. I want to feel it once again. I badly want to feel his warmth all over me. “Bakit dalawa lang, boss?” “Aww! Sayang naman…” Sa sinabi niyang iyon ay nagkaroon ng kani-kanilang komento ang mga nanonood na kasama ko. Ramdam ko ang panghihinayang sa kanilang mga boses.