It takes only a moment to say I love you to someone, but a lifetime to regret if you let the moment slip away. Parang sirang plaka na nagpa-ulit-ulit na naglalaro sa aking utak ang mga sinabi ni Ellie. Iniisip ko pa lang na tuluyan nang mawawala sa akin si Raiden ay nilulukob na ng matinding takot ang aking dibdib. Fear is an understatement of what I am feeling right now. Maguguho ang lahat sa akin at siguro ay hindi iyon maiintindihan nang kahit na sinong nilalang na hindi pa napupunta sa ganitong sitwasyon. “I have known De Silva for the past five years.” I am all ears when Leinard talked. Hindi namin napansin na nasa harapan na pala namin ito. Naglalakad-lakad siya habang pinaglalaruan ng paa ang isang bato. “Magkakasama na sila ni Nikka noon. I thought they